Thursday, November 8, 2012

Noisetalgia #6


Kasalukuyan akong nakikinig sa kantang "Call Me" ni Nancy Sinatra. Huwag mong pagkamalian ito sa kantang "Call Me Maybe".Please.

Una ko 'tong narinig sa AM station siguro High School ako or College. Eto yung pinaka opening song ng pang madaling araw na programang Private Confessions ni Jenny Almazan.

Yun yung mga panahong wala pang iPod. Wala pang WiFi.Ang tanging nagagawa ko lang ay makinig ng AM radio. Kung minlasmalas pa akong di makatulog, eh maaabutan ko pa yung programa pagtapos ng Private Confessions na pang 3am.

Madaming radio programs ang pinapakinggan ko non. Dr. Love, Mr. CariƱoso, Johnny Midnight at pati nga kay Soriano. Minsan wala ka lang magawa talaga.

Natatandaan ko. 14 years old ako, may programa akong pinapakinggan. Friends Seek yata ang title. Mga girls ang host na kung iimaginin ko ay magaganda ang itsura. May topic sila na ibabato tapos sasagot ka kung ano opinyon mo.Nagkaron ako ng chance na makatawag. Dalawang beses pa nga.Easyng easy lang yun, parang nakuha ko yung technique para makapasok agad sa linya kahit maraming tumatawag. Ibibigay mo yung landline mo tapos magkakaroon ka ng ka-phonepal. Imagine, 14 years old ako! Haha.Good times kung good times.

Ngayon, wala. Napupuyat ako, dahil kelangan ko dahil sito quarter life crisis.Kinareer ko na nga eh.
Iniisip ko, sana ganoon na lang kadali ang buhay. Parang, pagtawag sa AM Radio sa madaling araw. Kahit madaming tumatawag, kapag nakuha mo yung technique eh sisisiwin mo na lang. Ibabato mo lang yung landline number mo, meron ka na agad friend na tatawag sayo para makipagkwentuhan.

Mabalik tayo sa kanta ni Nancy Sinatra. Naisip ko lang to uli pakinggan. Sa idea at konteksto na pinaparating ng mensahe nito.Ang saya siguro kung meron talagang tao na lumapit sa'yo at kantahin to habangnalulungkot ka at kelangan mo ng comfort.

Naisip ko magblog na lang, kesa magtweet ng magtweet.Sa totoo lang nalulungkot ako ngayon. Frustrations.Unlike sa Facebook or Twitter, kung meron man nakakaalam ng blog na'to, eh malamang hindi naman nagbabasa talaga religiosly kaya hindi nakakahiya kung magdrama man ako.

No comments: