Monday, October 29, 2012

Noistalgia #4

Intro

Pastor's Appreciation Sunday kahapon sa church namin. Magbibirthday na kasi si Tor-Pas bukas. Guest speaker namin si Ptr. Greg Peralta, isa sa pinakapaborito kong magpreach. Napakalinaw magturo. Gustong gusto ko yung part na sasabihin na nya yung "listen young people". Ibig sabihin may sasabihin syang naka address samin(although considered young pro na ako).

Ang taong paeasy-easy sa huli nagsisisi

Ibang-iba talaga ang turo ng mundo. Habang madami akong nakikitang tweets at RT's tungkol sa gawin ang gusto mong gawin habang kaya mo, habang bata ka, sundin mo lang ang puso mo, kung saan ka masaya gawin mo, etc etc.. mali. Dapat sa lahat ng gagawin mo ay merong wisdom. Sa bawat desisyon mo siguruhin mong may karunungan. Dito nga nasira si Lot. Nung pinapili sya ni Abraham kung anong lugar ang pipiliin nya, nagpasilaw sya sa ganda na inaalok sa kanya ng mundo. Sabi ni Ptr Greg, habang may opportunity ka at bata ka, iwasan mong gumawa ng mga bagay na pagtanda mo ay mabibilang sa shame of your youth.

Pagkatapos na pagkatapos ng preaching, kinamayan ko si Ptr Greg at nagpasalamat.

"Blessing po kayo Pastor"
"God bless"

***********************
Op,op,op,op

Gustong gusto ko kapag niyayakap ako ng matagal ni Bunso at ni Kuya(kambal kong pamangkin sa pinsan. (7 y.o.) pagkatapos ng isang nakakapagod na araw. Madalas silang nandito. Kanina pagdating ko sa trabaho, kahit busy silang nanonood ng video ng Gangnam tumayo agad si Bunso para salubungin ako at yakapin ngmahigpit at matagal, sumunod agad si Kuya.

Wala akong kapatid. Di ko alam ang feeling ng may kasalo sa kwarto. Di ko alam yung feeling ng tawagin ng kuya o tumawag ng kuya o tumawag ng ate na legit. Nung bata ako mas gusto ko yun. Pero ngayong tumatanda na ako, parang mas masaya ata yung kapatid. Di ko alam. O baka nagkaquarter life crisis lang ako.

Kasalukuyang naggagangnam ang kambal ngayon kapalit ng pera na bibigay ng tatay ko.


Sobrang ayaw ko tong kantang Gangnam Style na'to. Rinding rindi ako. Sa itsura palang ng kumakanta pati yung lyrics na oja oja lang naiintindihan ko sa stanza halos masuka na ako. Paglipas ng ilang linggo, natutuwa na ako sa kantang to kapag naririnig ko dahil sa kambal. Pero sa totoo lang, mukhang krungkrung talaga yung kumakanta nung kantang yon.




Friday, October 26, 2012

Noisetalgia #3

BAGYONG OFEL.
 
Bumabagyo. Well, di naman actually sa Manila pero sa Visayas daw. Bagyong Ofel. Awful. Naaalala ko, lahat ng pangalan ng bagyo dati, pangalan ng babae dahil ang bagyo daw ay pabago-bago ngisip katulad ng bagyo na unpredictable. Pero ngayon iba na. May mga bagyong Yoyong, Ondoy at kung anu ano pang panlalakeng pangalan.  Ano kaya ang nangyari? Naubusan kaya ng pangalan ng babae ang PAGASA kaya gumamit na rin sila ng pangalang ng lalake? E pano na yung kahulugang unpredictable? Pabago-bago na rin ba ang isip ng lalake? O it's not a big deal at all?
 
Meron ngang kwento tungkol sa dating magkasintahan. Naghiwalay sila. Sa loob ng mahabang panahong hindi  sila nagusap, biglang tumawag si babae kay lalake. Nagusap sila ng normal na  parang walang nangyari.
 
DAY1
"Hello, Miss na kita. kamusta ka na?"
"Ok lang. may sakit ako ngayon eh."
"Pagaling ka."
 
DAY2
"Salamat nga pala, kinausap mo ko kahapon. Araw-araw kita namimiss pwede ba tayo ulit magusap paminsan-minsan?"
"Ok lang naman sa akin."
"May nanliligaw na ba sayo?"
"Wala naman"
 
DAY3
"Sorry kakauwi ko lang. Bakit ka tumatawag?"
"Gusto ko lang iconfirm yung nabalitaan ko. May boyfriend ka naba?"
"Hmmm. Getting there. Sige matutulog na ako. Bye."
"Teka lang,kala ko ba walang nanliligaw sayo? "
"Siguro mas okay kung wag na tayo magusap. As in ever."
 
Malamang-lamang binagyo yung lalake dito sa pabago-bagong isip ng babae. Kung tutuusin, si babae ang unang nakipag usap kay lalake. 

Yun naman ay kwento kwento lang.
********************************
E-CIGARETTE. RICOJ PUNO
 
"Glen ano ang spelling ng stare?
"Anong stair yung hagdan?"
"Hindi, to sit and stare"
"Yung tignan?"
"Oo."
 
Hindi nga ata nagbibiro si Rael nung sinabi nya sa aking nagsusulat sya ng tula. Nung sinabi  nya sa akin yun kahapon di ko masyadong inintindi. Paano ko ba naman seseryosohin eh ang pagkakasabi nya kahapon sakin habang  nakatunganga kami, "nagsusulat lang ako kanina ng 'po-wem' eh." Siguro kaya ko naisip na nagbibiro lang sya dahil puro hiphop at bumabayong bass ang pinapatugtog nya nung sumabay ako sa kotse nya.
(at maniniwala ka ba nahabang sinusulat ko to bigla nya akong tinawag:
"Glen magiging writer na ako dito. Nagsusulat na ak o ng storya eh")
 
Pero meron naman akong quality na nakita kay Rael na masasabi kong he's in to poetry. Sa kabila ng puro tato sya, kulay pula ang buhok nya, humihithit ng dalawang yosi bawat 15min break at nageelectronic cigarette pa sa loob ng kotse, si Rael ay isang...(drumroll pls...) romantic.
 
Wala syang ibang bukambibig kundi yung girlfriend nya. Naaalala ko nun meron pa syang kinwentong ayon sa kanya ay "pinakasweetest" na ginawa nya sa isang babae. Well, medyo common na pero ayon sa pagkakaalala ko sa kwento nya, binudburan nya ng petals ng red roses ang hagdanan mula sa kwarto hanggang kusina at sinurpresa ang girly paggising.
 
Dahil medyo naawkwardan ako at muntik na akong masuka sa kwento nya,nagkwento ako ng Rico J Puno joke bilang pangcounter sa kanyang "pinkasweetest"
 
"Ako ang ginawa kong pinakasweet sa babae eto. Dinala ko sya sa mamahaling  restarurant. Pagkatapos namin kumain sabi ko: Girly,
Alam mo namang gustong gusto kita e. Pero walang wala ako ngayon. abonohan mo muna"
******************************************
GROCERY
 
Madaming beses na, mahilig akong pumunta sa supermarket. Kukuha ng cart at ilalagay lahat ng gusto ko bilin. Sa kalagitnaan ng aking pag-go-grocery  bigla na lang ako mawawalan ng gana at iiwanan ang aking cart sabay sibat pauwi na walang nabili. Puregold, Super 8, SM, Landmark,Rustan's,Shopwise..name it.
 
Di naman sa ginagawa ko yon  dahil trip ko lang. May mga dahilan naman ako. Either mahaba ang pila or walang Likas Papaya kahit halos kumpleto na ang lahat ng grocery list ko. Kung weird man yon o normal lang e aaminin ko, parang therapy sa akin yung feeling ng naggo-grocery sa supermarket. Yung eksenang patulak tulak ka ng cart at naglalagay ka ng mga Koko Krunch, Yakult, Cheetos Flaming hot at Likas Papaya.
 
Naaalala ko pa yung nilalagay ako ng nanay ko sa cart habang naggogrocery sya sa Landmark. Naaalala ko din yung naggrocery kami ng gabi  at naisip ko na kapag nagasawa na ako maggogrocery din kami ng asawa ko ng gabi nang pang foodtrip tapos babalik kami sa bahay at manonood ng dvd.
 

Thursday, October 25, 2012

Negativity is Just a Little Monster to Kill

Umuulan ngayon. Kung kelan wala akong dalang kotse papuntang trabaho tsaka pa umulan. Pero ayos lang. Paglabas na paglabas ko sa elevator:
 
"May dala kang Auto?" Pambungad ni Rael.
"Wala nga eh. Kung kelan naulan"
"Sakto makakasabay ka sa akin. Puntahan ko Girlfriend ko sa Pacita"
 
Magbibilang ako ng mga good news ngayong araw na'to. May pasok kami bukas. Holiday yon. Ang hassle non di ba, pero ang good news don ay 200% ang bayad sa amin. Yun yung pinaguusapan namin habang nagaalmusal.
 
Ang mga bagay talaga dumarating ng may side A at side B, negative at positive. Eto dapat ang matutunan natin lahat. Yung maging positibo sa lahat ng mga bagay. May sinulat na tula yung nanay ko na ginawa nyang bookmark sa Bible nya. Di ko kabisado masyado pero yung pinaka thought nung tula ay counting the good things versus the bad things.Siguro ipopost ko yun dito kapag nakita ko.
 
Noong bagong hire kami, reklamo ng reklamo yung katrabaho ko na wala kaming ginagawa. Nababagot daw sya. Ako natutuwa ako at wala kami ginagawa, pero binabayaran kami.
 
Mahirap sumama sa mga taong palaging negatibo. Parang hikab yan, nakakahawa. Sabi nga ng matatanda, wag mong isasama ang bulok na kamatis sa mga sariwa, mahahawa yung iba. Nagpapasalamat ako at pinalaki ako ng mga magulang ko na palaging tumingin sa positibong bagay.


 
In everything give thanks: for this is the will of God in Christ Jesus concerning you- 1 Thessalonians 5:18

Noisetalga #2

MINISTOP. LIHIM NI ADONIS
 
"Meron na po kaka-ahon lang"  Sagot sa akin  ng kahero sa Ministop nung tinanong ko kung meron na silang fried chicken. Ang sarap sa tenga ng sagot nya di ba?  5:15am, almusal. Dalawang rice, dalawang gravy isang thigh part na chicken. Good times.
 
Tinanong nya ako kung take-out. Sabi ko hindi. Pero naisip ko mas masarap kumain sa pantry ng opisina namin so tinake out ko na lang.
 
Nakasabay ko kumain sa pantry si Rael at Eduard. Kumakain din si Eduard ng almusal. Si Rael hinihintay lang si Eduard matapos para makapagyosi sila sa roofdeck. Nakabukas ang TV sa balita.Niraid ang sinehan na na nagpapalabas ng malalaswa. Pinuna din ang sanitary. Nagpulasan ang mga lalakeng nanonood nung may pulis at mediang dumating. Ang pinaka highlight ng balita ay nung nagpokus ang kamera sa pamagat ng kanilang pinapanood. "Ang Mga Lihim ni Adonis"
*****************************************
 
TOOTHBRUSH
 
Tuwing natatapos ako mag lunch, dumiderecho ako sa CR para magtoothbrush. Naaawkwardan ako tuwing may makakasabay akong  isang katrabaho sa CR na nakasabay ko kumain pero hindi nagtutoothbrush. Iniisip ko kung makikita nyang nagtutooth brush ako, baka mapahiya sya sa sarili nya kasi nalaman kong di sya nagsisipilyo o kaya baka isipin nya na ipagsabi ko sa mga katrabaho naming babae, baka isipin nya na isipin kong wala syang hygiene.
 
Minsan naman kapag may nakakasabay akong nagsisipilyo, sinisigurado kong mauuna ako matapos sa kanya. May nabasa ako sa internet: "we tend to brush our teeth longer when we are brushing  in public". Sa pagkakataong nakapagmumog na ako at di pa sya tapos, sasabihan ko sya sa isip ko ng: "I don't care if you brush longer than me. You pretentious son of a show off toothpaste!"
 
********************************************
 
KIPPS CHICKEN. ELY BUENDIA
 
year 2004 noong una kong natikman ang Kipp's Chicken sa food court ng SM Southnall. Birthday ni Mark Jaudalso. Tropa ko nung High School. Nilibre nya kami  nina Rommel, A.J. at Marconi . Pagkatapos namin kumain, nagpapicture kami sa studio tapos nag Storyland kami habang hinihintay yung picture namin madevelop.
 
Walong taon na ang lumipas,  tuwing mapapadpad ako ng Southmall, hindi maaaring hindi ako kakain sa Kipp's Chicken. Maalat na chicken, mamantikang kulay dilaw na kanin at malutong. 
 
Kahapon, doon ako kumain pagkatapos ko bumili ng ticket para sa concert ni Ely Buiendia sa Music Museum sa Nov.17. Pangatlong concert na ni Ely ang napanood ko ngayong taon na to.
 
Bata pa lang  ako, Ely Buendia fan na ako. Napakabata ko pa noon para makapanood ng concert ng Eraserheads. March 30 2001, sa Expo Center ng Festival Mall ko unang napanood ang Eheads. Ang tagal ng front act band. Nung tumugtog na ang Eraserheads, dalawang kanta lang ata ang naabutan ko, Torpedo at Ang Huling El Bimbo. Sinusundo na ako ng Nanay at Tatay ko kasi uuwi na daw kami. Wala naman akong nagawa.
 
Ngayong 25 na ako, hanggat kaya, pinagbibigyan ko ang sarili ko. Sinusulit ang mga sandaling pwede pa makita ang mga taong iniidolo ko. Hindi ko inabot ang 60's. Hindi ko inabot ang Beatles. Pero inabot ko ang Eraserheads. Inabot ko si Ely Buendia.

Wednesday, October 24, 2012

Noisetalgia #1


TUNGKOL SA MIXTAPES AT ROADTRIPS
Ang cool ng idea ng mixtapes.
Yung gagawa ka ng playlist at manual mong irerecord sa cassette tape yung playlist na ginawa mo. Pwede mo sya gawing regalo o di kaya pang damoves sa mga kababaihan.
Apparently wala ng gumagawa noon ngayon. Kung meron man, baka sa mga CD's na lang. Pero sa panahon ng iPod at mp3's, maski  ang pagbuburn sa CD ay nalaos na.
 
Isang araw bago ko basahin ang librong The Perks of Being a Wallflower, kausap ko si Ella. Schoolmate ko sya nung High School. Nagkakausap lang kami kapag tungkol sa music or films. Shinare nya sa akin na nakikinig sya ngayon ng French Music at gusto nya ishare sa akin. Sabi nya magpalitan daw kami ng mga kanta. Binigyan nya ako ng list ng new discoveries nya at ganun din ako.
Nakakatuwa kasi kinabukasan noon, nabasa ko nga yung libro kung saan may part na nagpapalitan sila ng mixtapes.
  http://distilleryimage7.ak.instagram.com/62d0d5920a5311e2971f22000a1d00dc_7.jpg
Ang idea ng road trip papuntang South(kahit Nuvali lang o Tagaytay na) habang nakikinig sa playlist ng paborito kong mga kanta ay isa sa mga pinaka chill na bagay para sa akin.
**********


  TUNGKOL SA MAKATI AT ANG MGA BAGAY NA NAKASANAYAN
Namimiss ko na ang Makati. Halos dalawang buwan na simula ng lumipat ako sa Alabang para magtrabaho. Mahigit tatlong taon akong nagtrabaho doon. Uwian. Although mas malapait ang Alabang sa San Pedro Laguna(dito ako nakatira), may mga bagay na kapag nakasanayan mo na hahanap-hanapin mo.
 
Namimiss ko ang mga malls sa Makati. Greenbelt, LandMark, Glorietta,SM. Sunod-sunod yan. Sobrang chill sa mga lugar na yon. Namimiss ko din ang Makati Cinema Square kung saan ako umiiscore ng mga pirated movies na rare. Ang light display sa Ayala Triangle tuwing Christmas Season, mga underpass, e-jeepney at kung ano-ano pang mga magagandang bagay.
 
Ganun naman  ata talaga. Wala kang maiisip kundi  ang maghangad ng  mas ikagiginhawa mo inspite of all the positive things that you have already.  Once na mawala na ang mga bagay na nakasanayan mo, tsaka mo maiisip at mamimiss yung mga magagandang bagay.
 
Nung nasa Makati  ako, iniisip ko na sana sa Alabang na lang ako nagtatrabaho dahil sobrang hassle ang traffic! Lalo na sa umaga kapag napasabay ako sa rush hour. Kapag uwian naman, anghirap sumakay. Talagang makikipag agawan ka. Suwerte ka na kapag nakaupo ka sa bus na aircon. May mga panahong tatayo ka sa bus na siksikan.  MInsan ordinary bus pa. Ang mahal pa ng pamasahe. Minsan kakailanganin mo magtaxi dahil malelate ka na.
 
Kung mas lalawakan ko ang paningin ko sobrang pinagpala pa rin ako.Di ko alam kung malungkot lang ba ako,  kulang lang ba  ako sa inspirasyon o ganun lang talaga ang buhay.
********
  http://distilleryimage8.ak.instagram.com/3870528e0afb11e291e622000a1cd14c_7.jpg
JUST REAL
Ayoko magbanggit ng pangalan pero namimiss ko na siya. Hayaan na lang nating gawing misteryo. Di ko naman  sya kaclose dati. Di ko nga sya nakausap  nung school year  1998-1999 nung Grade 5 kami sa Amazing Grace School(AGS). Dahil lang sa Facebook, Twiiter, Instagram, Tumblr kaya namin nalaman na nageexist ang isa't isa. Sabi nya nga sa akin, di nya daw ako natatandaan nung nag Grade 5 sya sa AGS. As in total stranger ako sa kanya.
 
Eto lang year na'to. 2012. March  siguro nung nauso yung Application sa Apple na Draw Something. Nakalaro ko sya. Nung birthday ko nung May nagpost sya ng birthday greeting sa instagram ng Beatles concert ticket worth P20 nung nagconcert sila sa Pilipinas nung 60's. Nung nalaos ang Draw Something, may Sing Something App na lumabas kung saan kakanta ka ng ilang seconds para pahulaan sa kalaro mo ang title ng kanta. Gabi-gabi kami nagkakantahan. May isang gabi na imbis na kumanta sya, nangamusta sya. Sumagot din ako. Yung thrill na makagawa ka ng pangungusap sa loob ng 10 segundo kausap ang isang tao na hindi mo naman talaga kakilala dati.May ilang buwan din kaming nagpapalitan ng mga mensahe sa Sing Something. Sabi nya mas ok daw yung ganon kakaiba parang nagtetext kami gabi gabi pero hindi.
 
Kaya ko sya namimiss dahil di na kami nagsi-Sing Something. Dumating sa punto siguro na nagsawa na sya o naging busy na sya or may mas malalim pa na dahilan. Di ko alam.
 
Pero salamat na din, dahil  yung mga panahon na yon ay tagulan literally at figuratively at dahil sa kanya naging maliwanag ang paligid kahit makulimlim, literally at figuratively.
 
Sana lang alam nya kung gaano ko kasaya nung mga panahon na andiyan sya. Nung unang gabi kami nagmeet para magdinner, nararamdaman ko ang mga paruparo sa tiyan. Iniisip ko na baka mas matangkad sya sa akin, yung naka ilang ikot ako sa Greenbelt para maghanap ng kakainan pero fail pa din yung napili ko. Yung di  ako masyadong makakilos ng maayos kasi baka may magawa akong di nya magustuhan, yung kilig when I walked her home at yung dissapointment ko dahil ang pangit ko sa picture naming dalawa. Pinakanamimiss ko siguro yung thrill pagdumadating na yung mga turns nya sa Sing Something at yung fact na may nakukwentuhan ka ng mga bagay na nangyari sayo pagkatapos ng araw.

Friday, October 12, 2012

Introduction

Technically, this is gonna be my first post.

My previous posts were just copy+paste from my old Multiply Site. Ngayun lang talaga. As in ngayon. Promise.

Glen Emerson Tiopez. That's my name. My Mom told me glen means a small valley and she got the Emerson from one of her favorite poets, Ralph Waldo Emerson. I'm not sure why most people misspell Glen to Glenn. Double N?

"Check your names on the board"
"Miss Joy, my name shouldn't be spelled with double N" 
"What's the correct spelling then?"
"G-L-E...triple N"

I'm 25. Quarter life crisis at its finest.
I started playing in a band in college. I called it The Hoyers. My band mates there were Bonn and Jojo, just classmate friends whom I convinced to play bass and drums. We sounded crap because they learned playing those instruments the time we started the band. Funny thing was, one song of ours became kinda popular in school. That song was called Under 18. The song's first line was "tinunaw mo ko na parang yelo". 

In December 2007, I reunited with my High School friend Miguel. We formed a band and I called it The Eighteens.

This is the original line up:
Me(rhythm guitars), Gian(bass), Miguel(lead guitars), JayR(drums) 



Current line up: Me(rhythm guitars), Paul(bass), Miguel(lead guitars), JanJan(drums) 


I'm currently working on a solo project now. I'm recording songs using my computer, Fender acoustic Guitar, Ibanez electric guitar and Casio keyboard. It's almost done. I haven't thought of the album title yet though. And also the album artwork. My bandmate Miguel released his own solo project. He calls himself there, Happy Monday People and the album We Toast Our Glass To Better Days.
http://happymondaypeople.bandcamp.com/

I was thinking if I'm gonna give myself an "indie sounding name" name like Miguel did but I guess I'll be sticking to Glen Tiopez.

That's what's keeping me busy these days.

You?