Tuesday, June 4, 2013

NOISETALGA #12 TOP 10 FAVORITE SAD SONGS

Hindi ako nahihiyang aminin. Iyakin ako.
Minsan kapag may naririnig lang akong kanta na may kalakip na ala-ala, naluluha na ako.
Anyway, naglalakad ako nung isang araw papauwi galing trabaho at naisip kong gumawa ng TOP 10 list ng mga pinakamalulungkot na kanta sa buhay ko.

Ladies and Gentlemen, my TOP 10 FAVORITE SAD SONGS:

10. I Just Wasn't Made For These Times -Beach Boys
Eto yung habang tumatanda ka, unti unti kang namumulat sa katotohanan ng buhay at unti-unti ding nawawala yung kainosentehan mo at nasa stage ka na akala mo bata ka pa pero hindi na pala. Eto na pala yung real world.

9. Lightyears - Eraserheads
Isang salita para ipaliwanag ang kanta na'to  "Nostalgia".
Madalas mangyari kapag hatinggabi at naghahalungkat ka ng mga inaalikabok na gamit na nakakahon sa aparador. Sabi nga sa linya: "How it feels so strange to have grown and changed. Now it's not the same."

8. If You're Not Scared - K's Choice
 May mga gabi nung taong 2009 tuwing pumapasok ako papunta ng Makati sa graveyard shift ko na pinapakinggan ko to sa loob ng bus palagi at umiiyak ako kapag nasa pangalawang linya na "How I miss your trembling hands inside of mine".

7.Absolutely Zero - Jason Mraz   
Yung album ni Jason Mraz na Waiting for My Rocket to Come ang pinakamagandang album nya para sa'kin. Siguro dahil yun sa mga alaalang nakakabit dito. Naaalala ko ang taong 2005 sa kantang to. Yun ang taong isa sa mga pinakamalungkot pero masayang bahagi ng aking growing up stage. (hikbi)

6. Paalam Sampaguita - Yano
Ito yung sampol ng 3rd and 4th stanza:

Sabi mo mahal mo ako
Sa ilalim ng buwan nagsumpaan pa tayo
Na walang makakahadlang
Kahit sino man sa ating pag-iibigan

Kay saklap naman ng kapalaran
Nilisan ka 'pagkat ika'y napilitan lng
Kaya ito laging kasama ko
Ang tamis ng pait ng ala-ala mo"

Aren't these the saddest lines ever written in the history of OPM rock songs?

5.Homecoming - Rivermaya
 Intro pa lang alam mo ng papaiyakin ka eh. What sad about this song is it gives you the feeling of things/people that are gone. Di ko alam. Ikaw.

4.Hello It's Me-Todd Rundgren
 Una ko to napakinggan sa movie na Virging Suicides ni Sophia Coppola. Eto yung part na di makalabas yung Lisbon Sisters dahil grounded sila at nakikinig lang sila ng mga plaka. Nung narinig ko to alam kong magiging isa na to sa mga magiging paborito kog kanta. Hindi lang sa mga malulungkot na kanta kundi sa pangkalahatan. Lalo na nung naintindihan ko yung lyrics. Sumasapul talaga.

3. I Thought I Saw Your Face Today - She and Him
Buti na lang hindi si Karen Carpenter kumanta nito. Kung nagkataon ano pa kayang laban natin? Madalas mangyari tong kanta na'to sa'kin.

2.So Far Away - Carole King
Siguro mapapansin mo halos iisa lang ang theme ng mga malulungkot kong kanta. Kung meron man, itong kanta ang pinakabuod non. Kinanta to ni Bamboo pero nobody can sing this song like Carol King did.
Kung pwedeng ito na yung number 1 eh.

1.The Long and Winding Road
Hindi pwedeng hindi ito ang number one dahil bata pa lang ako at di ko pa naiintindihan tong kanta na'to eh nararamdaman ko na yung lungkot. Sanay akong love song ang kinakanta ni Paul McCartney pero nakakdurog din pala sya ng puso. Yung tono, yung mood na dala ng kanta, yung mga instrumento malungkot lahat. Nung nagkaisip na ako at naintindihan ko na'tong kanta nato, mas lalo akong nagemote.



Sunday, June 2, 2013

NOISETALGIA # 11 Kuya Paul

Pangalawang araw ng Hunyo. 2013. Ikinasal ang paborito kong kuya (pinsan) na si Kuya Paul sa kasintahan nya ng walong taon na si Sheryl.
Kakauwi lang namin galing Batangas dahil dun sila ikinasal.
Matagal ko nang gustong gumawa ng blog tungkol sa kanya dahil sa pagiging paborito ko sa kanya bilang pinsan pero ngayon ko lang napagpasyahang pagukulan ng panahon.

Bagaman't bihira lamang kami makita, nasabi kong paborito ko sya sapagakat sa impluwensya nya sa aking music. Ako yung tipo ng lalakeng Eraserheads at Beatles pero sya ang nagpakilala sa akin ng The Shins, Matt Costa, Nick Drake, Mississippi John Hurt at kung anu ano pa.

Isa sa mga bagay na gusto ko sa kanya ay ang pagiging simple.

Walang Facebook, Twitter o kung anu-ano pang account sa Social Media. Kapag makita mo sya sa mall, naka t-shirt lang at straight cut na jeans or naka shorts. Kumbaga parang normal na 90's look.

Okay lang sa kanya kung pumasok ako sa kwarto nya kahit wala sya. Naaalala ko, binigay nya pa sa akin ang password ng laptop nya para kopyahin ko ang mga kanta nya.

Tuwing fiesta sa kanila, kapag dumadating na sya galing sa girlfriend nya, makikipagjamming na sya sa akin at tuturuan niya ako ng mga kanta nila Simon and Garfunkel, John Mayer, etc. sa gitara.

Kanina sa reception, habang tinatawag na ang mga sponsors isa isa papunta sa table nila, pinatugtog ang kanta ng The Corrs na Runaway. Sa totoo lang, ayaw ko nang maririnig ang kanta na yon. Hindi dahil sa ayaw ko yun. Sa katunayan, paborito ko sya dati. Mababaw lang siguro talaga ang luha ko.

Ilang taon na ang nakalipas noong pinlano namin ng dati kong kasintahan na ang kantang Runaway ang tugtog habang naglalakad sya sa altar. Nung nagbreak kami, at huling usap namin ng matino, pinakanta ko sa kanya yung kanta na yun nung binati nya ako nung birthday ko(mula Canada through FaceTime). Yun ang huling pagkakataon na narinig kong kantahan nya ako.

Ang alam ko naka move on na ako. At buo ang loob ko dito. Mahina lang talaga ang damdamin ko sa mga ganitong bagay. Iyakin kasi ako. Noong bumagsak nga si Pacquaio sa huli nyang laban naluha ako eh. Nung binati lang ni Aiza Seguera si Vic Sotto nung bday nya naluha na din ako eh. Mababaw lang talaga ang luha ko. Pero naka move on na ako. Kung di ka man maniwala eh Pakyu.

At yun na nga, tinawag si Kuya Paul at si Sheryl at nagsayaw sila sa gitna. Hindi ko na maalala kung ano yung kanta pero ang alam ko, naiyak na ako nung pinapanood ko sila. So sa kahihiyan ko, lumabas ako at pumunta sa kotse at nagpunas ng luha.

After ko mailabas yun ay okay na.

Yung part na ng ihahagis nung bride yung bulaklak, naramdaman kong tatawagin ako ni Kuya Paul pag yung sa garter na. At tama nga ako. tinawag ako ni Kuya Paul. Ako lang ang hindi nakabarong sa mga bachelors na andoon. Hindi ako angnakakuha nung garter. Ayos lang.

Nagkainan na at nagpicture picture na sa bawat pamilya.

Nung nakahanap ako ng timing nagpapicture ako sa knailang dalawa:

BEST WISHES PAUL AND SHERYL FACUNDO!!