Wednesday, November 7, 2012

Noisetalgia #5


RIP OREO 

Ok. Di ko alam pano ko sisimulan.
Patay na si Oreo. =(
Patay na yung aso ko..
Nagresearch ako sa net kung ano nangyari sa kanya. HGE daw.
Sabi ng nanay ko yung mga tuta daw dumadan talaga sila sa ganong stage.
Haaaaaaaaaay. 6 na buwan pa lang sya sa akin. Nalulungkot talaga ako kasi alam kong pinilit nyang lumakas noong mga huling oras nya nung nakita nya akong umuwi.Kaya nga nalungkot ako kanina nung pagdating ko sa bahay wala ng asong tumatalon-talon pag dumadating na ako.

Early this year namatayan din ako ng pagong. Si William. 

Nagpapasalamat naman ako dahil buhay pa si Fuji na ayon sa computation ko, kung icoconvert ang buhay ng aso sa tao, eh 60+ na sya. Anjan pa din si Attorney na askal lang pero maganda ang balahibo at magaling makipagaway sa aso ng kapitbahay.

Anyway.. nalulungkot talaga ako. Parang iba kasi ang pagmamahal ko kay Oreo eh. Langya.

GARY GRANADA 
Nakikinig ako ulit ng mga Gary Granada songs. Malamang-lamang kapag sinabi ko sa'yo to ng personal at nagreact ka ng positibo, magkakasundo tayo. Naaalala ko nung tinanong ko sa katrabaho ko kung kaano-ano nya si Gary Granada kasi kaapelyido nya.

"Sana meron man pero wala eh. Nastional treasure yun!" sagot nya.

Nagkasundo kami agad.

Sa panahon ng mainstram music(KPOP,POP,RNB,HIPHOP), nakahanap ako ng tahanan sa mga kanta ni Gary Granada. Narning nyo na ba yung kanta nyang "Saranggola sa Ulan ng Live"? Eh naranasan mo na ba maging Forever Alone at pinakinggan ang "Mabuti Pa Sila"? Napakinggan mo na ba ang kantang sa opinyon ko ay ang pinaka honest na love song sa buong mundo("Kapag SInabi Ko Sa Iyo")?

Meron akong napulot na aral sa sinabi ni Gary Granada bago nya kantahin ang "Kung Ayaw Mo Na Sa Akin"
 Sabi nya, (I'm paraphrasing) lahat ng bagay, salamin,bato,gusali na ating kinatatayuan, nadududog sa pangangailangan ng panahon."sense of impermance". Kapag nagbago ang isang tao at ayaw na sa iyo, dapat tayong matuto at bumuo ng BAGO. Yun ang pinaka gusto ko dun eh. Bago. Hindi nya sinabing tahiin yung nasira, yung luma ay pagandahin o remedyuhan kung ano man ang nadurog. Ang sabi nya, bumuo ng bago. Sa madaling salita, MOVE ON.

No comments: