Monday, November 19, 2012

Noistalgia #8 November 17

November 17. For 8 long years I have been celebrating this date with cakes, gifts and surprises. This time, 2012, still celebrating. Celebrating the survival of my broken heart.hehe


12:00 AM Tahanan Village BF Resort ParaƱaque with FADV Officemates

http://distilleryimage6.ak.instagram.com/d5834f58313a11e2b2f422000a9f1255_7.jpg











10:00 AM:Tagaytay with a mystery girl




3:00 PM Siesta ng isang oras sa Bahay
9:00 PM with Ioni, Ching and Kim @ Music Museum (Ely Buendia Concert)

11:00 PM Misadventures with Ioni @ Greenhills Tiangge 




It's Been A Loooong Day!!


Sunday, November 18, 2012

Noisetalgia #7 Ely Buendia Special




Wearing his suit, neck tie, skinny pants and trademark bad hair day, once again I heard Ely croon, shout, hiss and sing.

Here's the list of his set last night:

Alapaap
Dambuhala
Ligaya
Santo
Overdrive
Huwag Mo Nang Itanong
Maling Akala
Lightyears
Wanted Bedspacers
Over 18
Huwag Kang Matakot
Magasin
Maselang Bahaghari
With a Smile
Wasak Waltz
Tikman
Ang Huling El Bimbo

"This is going to be epic" Ely said when he introduced Magasin.
That song's orchestra version owned the show though Ely's acoustic version of With a Smile left me teary eyed. Ewan ko ba, everytime he sings his songs, I always imagine those who gave him inspiration when he wrote 'em.Then I would ask, ano kayang feeling ni girly nung narinig nyang kinanta ni ely "huwag kang matakot, di mo ba alam nandito lang ako...di kita pababayaan kailanman"?

In between songs, unlike other performers, Ely does not talk to the audience that much. He just stands there being cute and all saglit lang ang gap. (I sound gay there  but  who gives a shit that's the truth) Sometimes he would say his one-liners before and after the song. Pinaka favorite kong linya nya kagabi: "Anong sinabi ni Richard Poon?"

Bitin. Lahat ng nasa loob ng music Museum hindi agad tumatayo nung magexit na si Ely at ang buong orchestra. Humupa na ang sigawan ng "More! More!" At chant na "Ely! Ely!" pero di na sya lumabas. But nevertheless,.. Masaya pa din. Si Ely yun eh ( only a fan would know ).

Here are some lines that moved me last night:

"gusto mo bang..." (alapaap) The chuwariwap girls sang this line over and over along with the bass lines of alapaap's intro as if they were inviting us to some magical show.

"di nais tumanda na nagsisisi. uhaw sa mga dapat na nangyari." (santo) Perfect example of expectation VS Reality

"di naman ako manyakis tulad ng iba. ipapangako ko sa'yo na igagalang ka" (ligaya) Funny line when you first hear it but if you come to think about the whole thought,these coulde be the most sincere words you can hear from a man.

"huwag mo ng itanong sa akin di ko din naman sasabihin" (huwag mo ng itanong) It's like the polite version of saying "shut up. i'm not cool with telling you my story."

"look forward to tomorrow but can I leave yesterday behind?" (lightyears) My all time favorite song. I did not cry this time. Baka naka move on na ako. Pero I remember wisphering to Ioni's ears when Ely sang that last line:"Yun yun eh."

"kapag kausap ka mundo'y nagiiba. sanay nandito ka. ngunit bago ang lahat sya nga pala, over 18 ka na ba?" (over18) Ever experienced getting lost in a conversation with someone? Not because you're not listening but you both get lost  in a garden of whatever that is. You're talking pero to you you're waltzing away from the real world. Pero yung pahabol na tanong, Over18 ka na ba? This may have a different interpretation but to me it's like asking the girl, "ready ka na ba? o magsasawa ka din ..iiwanan mo din ako."

"Iba na ang yong ngiti, Iba na ang yong tingin, nagbago ng lahat sayo. Sana'y hindi nakita sana'y walang problema pagkat kulang ang dala kong pera na pambili..woohoo..ba pambili sa mukha mong maganda"
(Magasin)

Yes. It's the whole chorus of the song. I thought of putting this part into a seperate blog dahil gusto ko pa pahabain pero ok na din dito.

Kahit ang totoong storya netong Magasin ay isang babae na naging bomba star na may past with someone na kilala ni Ely, in some ways relate na relate pa din ako sa ibang aspeto ng buhay eh. It's like when you lost someone whom you thought what you had was perfect. There would come a time in the middle of your moving on phase may mga mandidistract sa'yong pictures at tweets at masasabi mong sana hindi mo na lang nakita yung picture, sana di mo na lang nabasa yung tweet.. para walang problema. Yung part na kulang yung dalang pera parang yung feeling na wala kang pamasahe to go abroad to save your dying relationship..Pero it always comes back to this line:"Nagbago nang lahat sa'yo" that someone you loved is not the same person anymore so kung ayawan na, ayawan na. Bitter much?

"akala ko ay cool ako"  (maselang bahaghari) Times when you thought you belong,but at the end of the day there comes a self realization you're a failure.  Ely told us the back story of this song. Somewhere in 1998 dalawang laptop daw ang nawala sa kanya..may nabanggit syang parang crisis in identifying himself. Basta parang ganon yung idea.

Wearing his suit, neck tie, skinny pants and trademark bad hair day, once again I heard Ely croon, shout, hiss and sing. What is best about it was...... it was  live.

Thursday, November 8, 2012

Noisetalgia #6


Kasalukuyan akong nakikinig sa kantang "Call Me" ni Nancy Sinatra. Huwag mong pagkamalian ito sa kantang "Call Me Maybe".Please.

Una ko 'tong narinig sa AM station siguro High School ako or College. Eto yung pinaka opening song ng pang madaling araw na programang Private Confessions ni Jenny Almazan.

Yun yung mga panahong wala pang iPod. Wala pang WiFi.Ang tanging nagagawa ko lang ay makinig ng AM radio. Kung minlasmalas pa akong di makatulog, eh maaabutan ko pa yung programa pagtapos ng Private Confessions na pang 3am.

Madaming radio programs ang pinapakinggan ko non. Dr. Love, Mr. CariƱoso, Johnny Midnight at pati nga kay Soriano. Minsan wala ka lang magawa talaga.

Natatandaan ko. 14 years old ako, may programa akong pinapakinggan. Friends Seek yata ang title. Mga girls ang host na kung iimaginin ko ay magaganda ang itsura. May topic sila na ibabato tapos sasagot ka kung ano opinyon mo.Nagkaron ako ng chance na makatawag. Dalawang beses pa nga.Easyng easy lang yun, parang nakuha ko yung technique para makapasok agad sa linya kahit maraming tumatawag. Ibibigay mo yung landline mo tapos magkakaroon ka ng ka-phonepal. Imagine, 14 years old ako! Haha.Good times kung good times.

Ngayon, wala. Napupuyat ako, dahil kelangan ko dahil sito quarter life crisis.Kinareer ko na nga eh.
Iniisip ko, sana ganoon na lang kadali ang buhay. Parang, pagtawag sa AM Radio sa madaling araw. Kahit madaming tumatawag, kapag nakuha mo yung technique eh sisisiwin mo na lang. Ibabato mo lang yung landline number mo, meron ka na agad friend na tatawag sayo para makipagkwentuhan.

Mabalik tayo sa kanta ni Nancy Sinatra. Naisip ko lang to uli pakinggan. Sa idea at konteksto na pinaparating ng mensahe nito.Ang saya siguro kung meron talagang tao na lumapit sa'yo at kantahin to habangnalulungkot ka at kelangan mo ng comfort.

Naisip ko magblog na lang, kesa magtweet ng magtweet.Sa totoo lang nalulungkot ako ngayon. Frustrations.Unlike sa Facebook or Twitter, kung meron man nakakaalam ng blog na'to, eh malamang hindi naman nagbabasa talaga religiosly kaya hindi nakakahiya kung magdrama man ako.

Wednesday, November 7, 2012

Noisetalgia #5


RIP OREO 

Ok. Di ko alam pano ko sisimulan.
Patay na si Oreo. =(
Patay na yung aso ko..
Nagresearch ako sa net kung ano nangyari sa kanya. HGE daw.
Sabi ng nanay ko yung mga tuta daw dumadan talaga sila sa ganong stage.
Haaaaaaaaaay. 6 na buwan pa lang sya sa akin. Nalulungkot talaga ako kasi alam kong pinilit nyang lumakas noong mga huling oras nya nung nakita nya akong umuwi.Kaya nga nalungkot ako kanina nung pagdating ko sa bahay wala ng asong tumatalon-talon pag dumadating na ako.

Early this year namatayan din ako ng pagong. Si William. 

Nagpapasalamat naman ako dahil buhay pa si Fuji na ayon sa computation ko, kung icoconvert ang buhay ng aso sa tao, eh 60+ na sya. Anjan pa din si Attorney na askal lang pero maganda ang balahibo at magaling makipagaway sa aso ng kapitbahay.

Anyway.. nalulungkot talaga ako. Parang iba kasi ang pagmamahal ko kay Oreo eh. Langya.

GARY GRANADA 
Nakikinig ako ulit ng mga Gary Granada songs. Malamang-lamang kapag sinabi ko sa'yo to ng personal at nagreact ka ng positibo, magkakasundo tayo. Naaalala ko nung tinanong ko sa katrabaho ko kung kaano-ano nya si Gary Granada kasi kaapelyido nya.

"Sana meron man pero wala eh. Nastional treasure yun!" sagot nya.

Nagkasundo kami agad.

Sa panahon ng mainstram music(KPOP,POP,RNB,HIPHOP), nakahanap ako ng tahanan sa mga kanta ni Gary Granada. Narning nyo na ba yung kanta nyang "Saranggola sa Ulan ng Live"? Eh naranasan mo na ba maging Forever Alone at pinakinggan ang "Mabuti Pa Sila"? Napakinggan mo na ba ang kantang sa opinyon ko ay ang pinaka honest na love song sa buong mundo("Kapag SInabi Ko Sa Iyo")?

Meron akong napulot na aral sa sinabi ni Gary Granada bago nya kantahin ang "Kung Ayaw Mo Na Sa Akin"
 Sabi nya, (I'm paraphrasing) lahat ng bagay, salamin,bato,gusali na ating kinatatayuan, nadududog sa pangangailangan ng panahon."sense of impermance". Kapag nagbago ang isang tao at ayaw na sa iyo, dapat tayong matuto at bumuo ng BAGO. Yun ang pinaka gusto ko dun eh. Bago. Hindi nya sinabing tahiin yung nasira, yung luma ay pagandahin o remedyuhan kung ano man ang nadurog. Ang sabi nya, bumuo ng bago. Sa madaling salita, MOVE ON.