Wednesday, October 24, 2012

Noisetalgia #1


TUNGKOL SA MIXTAPES AT ROADTRIPS
Ang cool ng idea ng mixtapes.
Yung gagawa ka ng playlist at manual mong irerecord sa cassette tape yung playlist na ginawa mo. Pwede mo sya gawing regalo o di kaya pang damoves sa mga kababaihan.
Apparently wala ng gumagawa noon ngayon. Kung meron man, baka sa mga CD's na lang. Pero sa panahon ng iPod at mp3's, maski  ang pagbuburn sa CD ay nalaos na.
 
Isang araw bago ko basahin ang librong The Perks of Being a Wallflower, kausap ko si Ella. Schoolmate ko sya nung High School. Nagkakausap lang kami kapag tungkol sa music or films. Shinare nya sa akin na nakikinig sya ngayon ng French Music at gusto nya ishare sa akin. Sabi nya magpalitan daw kami ng mga kanta. Binigyan nya ako ng list ng new discoveries nya at ganun din ako.
Nakakatuwa kasi kinabukasan noon, nabasa ko nga yung libro kung saan may part na nagpapalitan sila ng mixtapes.
  http://distilleryimage7.ak.instagram.com/62d0d5920a5311e2971f22000a1d00dc_7.jpg
Ang idea ng road trip papuntang South(kahit Nuvali lang o Tagaytay na) habang nakikinig sa playlist ng paborito kong mga kanta ay isa sa mga pinaka chill na bagay para sa akin.
**********


  TUNGKOL SA MAKATI AT ANG MGA BAGAY NA NAKASANAYAN
Namimiss ko na ang Makati. Halos dalawang buwan na simula ng lumipat ako sa Alabang para magtrabaho. Mahigit tatlong taon akong nagtrabaho doon. Uwian. Although mas malapait ang Alabang sa San Pedro Laguna(dito ako nakatira), may mga bagay na kapag nakasanayan mo na hahanap-hanapin mo.
 
Namimiss ko ang mga malls sa Makati. Greenbelt, LandMark, Glorietta,SM. Sunod-sunod yan. Sobrang chill sa mga lugar na yon. Namimiss ko din ang Makati Cinema Square kung saan ako umiiscore ng mga pirated movies na rare. Ang light display sa Ayala Triangle tuwing Christmas Season, mga underpass, e-jeepney at kung ano-ano pang mga magagandang bagay.
 
Ganun naman  ata talaga. Wala kang maiisip kundi  ang maghangad ng  mas ikagiginhawa mo inspite of all the positive things that you have already.  Once na mawala na ang mga bagay na nakasanayan mo, tsaka mo maiisip at mamimiss yung mga magagandang bagay.
 
Nung nasa Makati  ako, iniisip ko na sana sa Alabang na lang ako nagtatrabaho dahil sobrang hassle ang traffic! Lalo na sa umaga kapag napasabay ako sa rush hour. Kapag uwian naman, anghirap sumakay. Talagang makikipag agawan ka. Suwerte ka na kapag nakaupo ka sa bus na aircon. May mga panahong tatayo ka sa bus na siksikan.  MInsan ordinary bus pa. Ang mahal pa ng pamasahe. Minsan kakailanganin mo magtaxi dahil malelate ka na.
 
Kung mas lalawakan ko ang paningin ko sobrang pinagpala pa rin ako.Di ko alam kung malungkot lang ba ako,  kulang lang ba  ako sa inspirasyon o ganun lang talaga ang buhay.
********
  http://distilleryimage8.ak.instagram.com/3870528e0afb11e291e622000a1cd14c_7.jpg
JUST REAL
Ayoko magbanggit ng pangalan pero namimiss ko na siya. Hayaan na lang nating gawing misteryo. Di ko naman  sya kaclose dati. Di ko nga sya nakausap  nung school year  1998-1999 nung Grade 5 kami sa Amazing Grace School(AGS). Dahil lang sa Facebook, Twiiter, Instagram, Tumblr kaya namin nalaman na nageexist ang isa't isa. Sabi nya nga sa akin, di nya daw ako natatandaan nung nag Grade 5 sya sa AGS. As in total stranger ako sa kanya.
 
Eto lang year na'to. 2012. March  siguro nung nauso yung Application sa Apple na Draw Something. Nakalaro ko sya. Nung birthday ko nung May nagpost sya ng birthday greeting sa instagram ng Beatles concert ticket worth P20 nung nagconcert sila sa Pilipinas nung 60's. Nung nalaos ang Draw Something, may Sing Something App na lumabas kung saan kakanta ka ng ilang seconds para pahulaan sa kalaro mo ang title ng kanta. Gabi-gabi kami nagkakantahan. May isang gabi na imbis na kumanta sya, nangamusta sya. Sumagot din ako. Yung thrill na makagawa ka ng pangungusap sa loob ng 10 segundo kausap ang isang tao na hindi mo naman talaga kakilala dati.May ilang buwan din kaming nagpapalitan ng mga mensahe sa Sing Something. Sabi nya mas ok daw yung ganon kakaiba parang nagtetext kami gabi gabi pero hindi.
 
Kaya ko sya namimiss dahil di na kami nagsi-Sing Something. Dumating sa punto siguro na nagsawa na sya o naging busy na sya or may mas malalim pa na dahilan. Di ko alam.
 
Pero salamat na din, dahil  yung mga panahon na yon ay tagulan literally at figuratively at dahil sa kanya naging maliwanag ang paligid kahit makulimlim, literally at figuratively.
 
Sana lang alam nya kung gaano ko kasaya nung mga panahon na andiyan sya. Nung unang gabi kami nagmeet para magdinner, nararamdaman ko ang mga paruparo sa tiyan. Iniisip ko na baka mas matangkad sya sa akin, yung naka ilang ikot ako sa Greenbelt para maghanap ng kakainan pero fail pa din yung napili ko. Yung di  ako masyadong makakilos ng maayos kasi baka may magawa akong di nya magustuhan, yung kilig when I walked her home at yung dissapointment ko dahil ang pangit ko sa picture naming dalawa. Pinakanamimiss ko siguro yung thrill pagdumadating na yung mga turns nya sa Sing Something at yung fact na may nakukwentuhan ka ng mga bagay na nangyari sayo pagkatapos ng araw.

No comments: