Umuulan
ngayon. Kung kelan wala akong dalang kotse papuntang trabaho tsaka pa
umulan. Pero ayos lang. Paglabas na paglabas ko sa elevator:
"May dala kang Auto?" Pambungad ni Rael.
"Wala nga eh. Kung kelan naulan"
"Sakto makakasabay ka sa akin. Puntahan ko Girlfriend ko sa Pacita"
Magbibilang
ako ng mga good news ngayong araw na'to. May pasok kami bukas. Holiday
yon. Ang hassle non di ba, pero ang good news don ay 200% ang bayad sa
amin. Yun yung pinaguusapan namin
habang nagaalmusal.
Ang
mga bagay talaga dumarating ng may side A at side B, negative at
positive. Eto dapat ang matutunan natin lahat. Yung maging positibo sa
lahat ng mga bagay. May sinulat na tula yung
nanay ko na ginawa nyang bookmark sa Bible nya. Di ko kabisado masyado
pero yung pinaka thought nung tula ay counting the good things versus the
bad things.Siguro ipopost ko yun dito kapag nakita ko.
Noong
bagong hire kami, reklamo ng reklamo yung katrabaho ko na wala kaming
ginagawa. Nababagot daw sya. Ako natutuwa ako at wala kami ginagawa,
pero binabayaran kami.
Mahirap
sumama sa mga taong palaging negatibo. Parang hikab yan, nakakahawa.
Sabi nga ng matatanda, wag mong isasama ang bulok na kamatis sa mga
sariwa, mahahawa yung iba. Nagpapasalamat
ako at pinalaki ako ng mga magulang ko na palaging tumingin sa
positibong bagay.
In everything give thanks: for this is the will of God in Christ Jesus concerning you- 1 Thessalonians 5:18
No comments:
Post a Comment