Sunday, June 2, 2013

NOISETALGIA # 11 Kuya Paul

Pangalawang araw ng Hunyo. 2013. Ikinasal ang paborito kong kuya (pinsan) na si Kuya Paul sa kasintahan nya ng walong taon na si Sheryl.
Kakauwi lang namin galing Batangas dahil dun sila ikinasal.
Matagal ko nang gustong gumawa ng blog tungkol sa kanya dahil sa pagiging paborito ko sa kanya bilang pinsan pero ngayon ko lang napagpasyahang pagukulan ng panahon.

Bagaman't bihira lamang kami makita, nasabi kong paborito ko sya sapagakat sa impluwensya nya sa aking music. Ako yung tipo ng lalakeng Eraserheads at Beatles pero sya ang nagpakilala sa akin ng The Shins, Matt Costa, Nick Drake, Mississippi John Hurt at kung anu ano pa.

Isa sa mga bagay na gusto ko sa kanya ay ang pagiging simple.

Walang Facebook, Twitter o kung anu-ano pang account sa Social Media. Kapag makita mo sya sa mall, naka t-shirt lang at straight cut na jeans or naka shorts. Kumbaga parang normal na 90's look.

Okay lang sa kanya kung pumasok ako sa kwarto nya kahit wala sya. Naaalala ko, binigay nya pa sa akin ang password ng laptop nya para kopyahin ko ang mga kanta nya.

Tuwing fiesta sa kanila, kapag dumadating na sya galing sa girlfriend nya, makikipagjamming na sya sa akin at tuturuan niya ako ng mga kanta nila Simon and Garfunkel, John Mayer, etc. sa gitara.

Kanina sa reception, habang tinatawag na ang mga sponsors isa isa papunta sa table nila, pinatugtog ang kanta ng The Corrs na Runaway. Sa totoo lang, ayaw ko nang maririnig ang kanta na yon. Hindi dahil sa ayaw ko yun. Sa katunayan, paborito ko sya dati. Mababaw lang siguro talaga ang luha ko.

Ilang taon na ang nakalipas noong pinlano namin ng dati kong kasintahan na ang kantang Runaway ang tugtog habang naglalakad sya sa altar. Nung nagbreak kami, at huling usap namin ng matino, pinakanta ko sa kanya yung kanta na yun nung binati nya ako nung birthday ko(mula Canada through FaceTime). Yun ang huling pagkakataon na narinig kong kantahan nya ako.

Ang alam ko naka move on na ako. At buo ang loob ko dito. Mahina lang talaga ang damdamin ko sa mga ganitong bagay. Iyakin kasi ako. Noong bumagsak nga si Pacquaio sa huli nyang laban naluha ako eh. Nung binati lang ni Aiza Seguera si Vic Sotto nung bday nya naluha na din ako eh. Mababaw lang talaga ang luha ko. Pero naka move on na ako. Kung di ka man maniwala eh Pakyu.

At yun na nga, tinawag si Kuya Paul at si Sheryl at nagsayaw sila sa gitna. Hindi ko na maalala kung ano yung kanta pero ang alam ko, naiyak na ako nung pinapanood ko sila. So sa kahihiyan ko, lumabas ako at pumunta sa kotse at nagpunas ng luha.

After ko mailabas yun ay okay na.

Yung part na ng ihahagis nung bride yung bulaklak, naramdaman kong tatawagin ako ni Kuya Paul pag yung sa garter na. At tama nga ako. tinawag ako ni Kuya Paul. Ako lang ang hindi nakabarong sa mga bachelors na andoon. Hindi ako angnakakuha nung garter. Ayos lang.

Nagkainan na at nagpicture picture na sa bawat pamilya.

Nung nakahanap ako ng timing nagpapicture ako sa knailang dalawa:

BEST WISHES PAUL AND SHERYL FACUNDO!!

No comments: