Friday, December 21, 2012

NOISETALGIA #9: The YP Christmas Special

"The party  last night was a blast!"

Generic tweet/caption/status kapag may kapartyhan na naganap nang nakaraang gabi.



Kagabi ay Christmas party  ng VFBC Young People.Sa bahay namin ginanap (as usual). Andami namin, kumpara sa mga nakaraang party namin(by the way pangatlong party na namin ng Christmas party to). Andami din namin pagkain. Pot Luck.

Naglilinis pa ko ng kotse ng dumating si Eric. Pero on time sya. Late lang talaga dumating yung iba. Napagpasyahan kong bigyan sya ng consolation price for being an Early Bird. Nagdala sya ng madaming Siomai.

Sumunod na dumating ay si Rica, Yeye at April. Nagdala sila ng home made Mojos! Sila na din ang umasikaso ng mga listahan ng exchange gifts at pa-raffle.

Ilang minuto pa, si TeeJay na ang dumating. Natalo sya ni Eric sa pagiging early bird. Nung nakaraang dalawang taon sya ang palaging may hawak ng title na 'yon.May dala syang Barbecue! tapos bumili pa sya ng Isaw sa kapitbahay namin.
 
Ryan's Winner Fried Chicken
Mayamaya, si Ryan dumating na din at may dalang Winner Fried Chicken! Kaya nilagyan ko ng "winner" kasi winner talaga! Di namin mapigilan na sabay sabay mag "WOOAAAHHH!" kapag binubuksan ko ang takip at dahan dahan naming sinisilip mula sa lalagyan.

Medyo malapit na dumilim ng dumating na si Bam at Andrei.  Sushi Plate ang sumurpresa sa amin! Sosyal!

Sumunod na dumating si Anne at Bec. At dahil wala si Camille na nagluluto ng masarap na Carbonara at Chicken Fingers dahil sya ay nasa Malaysia, Andok's Chicken at Liempo ang dala-dala nila ngayong taon. 

Dumating si Matthew na may dala dala ding Lechon Manok!

Andami na naming ulam! Dito ko na naisip na magsaing. Hindi ako nagsaing kasi ang contribution ko ay Fruit Salad. Pero dahil itinulak ng pagkakataon, nagsaing pa'ko ng dalawang kalderong kanin.
Me and Anne, lumalast minute shopping para sa prizes

Naghihintay pa kami. Konti pa lang kasi. Gusto namin kumpleto. Maraming regalo at papremyong naghihintay. Namili kami ni Anne ng prizes para sa consolation at games 2 days before the party at mayroon pang cash prize sa raffle. Kaya solid sa saya ang party na'to.

Hatid-hatid ng tatay nya, dumating na din si Kirstie. First time niya sumali sa party namin kahit old school na syang YP. Haha. May dala syang hindi papatalong madaming Lumpiang Prito with matching isang boteng Ketchup na hindi pa nabubuksan.

Sabi ko, kapag 6:30 hindi pa din kumpleto, magsisimula na kami kumain.

Pero buzzer beater, dumating na ang mga bago naming members! Ang Dabarkads na Si Joyce, Si Angelyn, Si Beverly at Judy Anne! At wag ka! Andami nilang dalang..Lumpiang Halo-Halo! Di mo alam yun no? Ako din. Nagbibiro lang ako nung sinabi kong sahog ng Halo-Halo ang laman ng Lumpia pero oo nga! Tama ako! Just in case you're curious, para syang Turon pero imbis na saging lang ang laman, meron syang sahog ng Halo-Halo katuld ng ube at kung anu-ano pa na pinagulong sa asukal at ni rolling in the deep sa kawaling may mantika. Kung Twitter to, may hashtag to ng #SarapNyown!
 

Si Ron-Ron,Si Joshua,Si Eloy ay dumating din galing sa Christmas party ng kani-kanilang mga school. Ayon sa aking source, napababalitang Si Joshua ay namataang nakikipagdate sa Food Court sa Festival bago pumunta sa party namin kaya sya na-late. Nagbibinata na. Pagbigyan na natin.

Naubus na ang water supply ng Tiopez Mansion at uhaw na uhaw na kami. Buti na lang, ang nagsabing hindi makakapunta dahil may trabaho ay dumating na may dala dalang mga bote ng 1.5 na softdrinks! si Jan-Jan!

Patapos na kami kumain ng dumating naman si Kaye.Pero ayos pa din dahil mahaba pa ang party at ang mahalaga ay humabol.

Isa nanamang masayang Christmas Party para sa year 2012 na punong puno ng:
  • Kainan
  • Devotion
  • Games
  • Raffles
  • Kwentuhan
  • Tawanan
  • Pichuran

Bago kumain, nagdevotion muna si TeeJay para iremind ang mga YP ang tunay na meaning ng Pasko

May mga nagpunta na walang pang exchange gift at walang dalang pagkain. Ayos lang. At the end of the day, hindi naman ang regalo at pagkain ang magiging sukatan ng kaligayahan kundi ang prisensya ng taong nagpunta. Kahit new member o lumang member, pareho lang ang timbang  ng prisensya. Ano ang halaga ng regalong dala mo kung wala ang pagbibigyan mo? Ano ang halaga ng pagkain kung hindi makakapunta ang pinagluto mo? Ang pinakaimportante sa lahat ay ang effort na pumunta ka sa party na matagal nyong pinlano.

Sa lahat ng hindi nakadalo, alam naming may valid reasons kayo. Ang masasabi ko lang, di talaga kami malakas sa inyo. (pagulity effect) 

Ilang taon na lang, kaming mga senior YP ay magiging Adults na din at mabibilang na sa Men at Ladies group pero hanggang nandito pa kami, ienjoy natin. I'm telling you, walang ganitong kasayang party ang mga naunang batch ng YP kaya iexperience nyo na habang tayo ay nasa ating Kabataan!


Next year ulit mga kapatid!

No comments: