Monday, December 30, 2013

NOISETALGIA #16

31 Dec 2013.
Huling araw ng buwan.
Huling araw ng taon.


Binabasa ko ang blog entry ko nung Enero na ang tema ay bagong panimula. Ang bilis bilis ng panahon. Isang taon na agad ang natapos.

Taon ng luha at paghihiwalayan ang year 2012 at ang taon na yun ay talagang nagstruggle ako. I tried hard to get away from a miserable state. And when I say I tried, I really tried hard. And I can say that somehow, when 2013 came in, everything started to flow smoothly.
Kaya siguro bigla na lang, "Wow! tapos na pala ang 2013?"
Ngayong taon na to, I learned to let go. But letting go doesn't mean you forget. "Forgive and Forget" is all bullshit. Sure, you may forgive. But how can you forget something or someone you wanted forever?  Kaya nga I believe that forgetting is not a verb dahil verb is an action word. Remembering is the action word and the absence of that action is forgetting. Meaning, if you forgot something, you missed to remember something.  You don't forget intentionally.I guess what's more appropriate is "Forgive and Accept". Letting go means accepting with no grudges.

I witnessed some friends who experienced heartbreaks this year and I realized that when you are the broke one, you tend to think that you are the most miserable person in the planet. Sabi nga ni Ricky Lee, kapag naramdaman mo ang tatlong K (Kabog, Kilig, Kirot), congratulations at naranasan mong umibig!

Unless you are the Tin Man, mararanasan mo ang umibig. At kung ikaw ay umibig, kelangan mo ihanda ang sarili mo masaktan.

Pero tignan mo nga naman tayo, kahit nasaktan ng grabehan at alam na masasaktan muli, umiibig pa rin. Kaya nga ngayong 2013, eto ako ulit at umiibig. Di ko man masabi dahl ayoko magbilang. Nagsimula akong uli pero ayoko na ng katapusan.

Huling araw ng taon and I thank God for everything. Pwedeng pwede naman akong maging taong grasa na lang pero eto ako at binibigyan Niya ng pagkakataong umukit ng  bagong daan na tama kapag nagkakamali ako ng landas na tinatahak.

2014. I am ready.

Sunday, October 20, 2013

NOISETALGIA #15 WISHLIST 2013

I'm pretty sure that this list is not feasible for now. It's not impossible though but to get at least 1 or 2 from the list is already grand. 

So here's my wishlist 2013:

1.Nixon Watch:
Been watchless since the retirement of my 8 year old Timex watch. Scored a Rudy Project watch but didn't really like it so I gave it to my Dad. Been eying this watch for almost a year.

2.Sennheiser Head Phones:
I have had 2 Apple iPod earphones busted this year. Since then, been using the Sennheiser headset of my girlfriend. Since it's not officially mine, I want something like that. Very handy 'coz it's foldable.
 

3.Jordan 4 Vivid Pink or any Jordan shoe
Everyone knows I'm that guy with a fedora and topsider. It's just this year that I got into these kicks. I know the Vivid Pink is kinda girly but boy, I like it so bad.
 

4.Laptop
I'm no techi-guy so I dunno what laptop to root for. We have a family laptop but I really want one for myself mainly because of recording purposes. I'm an artist you know.
 
5. Suzuki Jimny:
The picture below says it all.
 
But then, I will end this blog with this meme:

Thursday, October 17, 2013

NOISETALGIA #14




December 2012. Ang pasok ko sa opisina ay 5 AM. Mag-aapat na buwan pa lang ako sa bago kong trabaho. Inaantok-antok pa ako nung dumating sina Bryan. 7 AM ang shift nila. Di ko siya talaga kilala dahil sa ibang department sya. Dahil maaga pa, pagala-gala pa sya at bumabati ng "Good Morning!" sa mga kaibigan nya. Palagi yon. Napadpad sya sa department namin at binati si Krisel. Si Krisel na aalokin ka ng kung anu-anong paninda nya.

"Good morning Krisel"
"Good morning Kuya Ryan!"
"Kuya Ryan mahilig ba sa pabango ang wife mo?"

Habang iniintrohan nya si Ryan para alokin ng kanyang produkto, naunahan sya nito ng kwento.

"Hindi eh. Yung dati kong wifeyung mahilig"
"Ay, may dati kang asawa?"
"Oo, nagpost nga ng picture sa Facebook eh. May anak na pala siya."

Apat na hakbang lang ang layo ko sa kanila. Hindi ako naka-concentrate sa ginagawa kong email para sa mga aplikante nang sinimulan ni Ryan ang kanyang kwento.

"Bago kasi kami maging mag asawa ni Kat, meron akong asawa for 6 years."

"Ang tagal non ha. May anak kayo?"

"Yun nga eh, buti wala. Subok kami ng subok, takang taka ako pero hindi kami makabuo . Hindi pinayagan ni Lord.....Ang ganda ng storya namin nun pang Maala-ala Mo Kaya."

Nung naramdaman kong ikukwento na nya ang kanyang buhay. Sumuko na ako sa pagta-type ng email at palihim na nakinig sa kanyang kwento.

"Mayaman yung pamilya ng asawa ko nun dati. Naaalala ko kapag pumupunta ako sa bahay nila, parang minamata ako ng tatay nun dahil pangit ang kotse ko. Business man kasi yung tatay nya. Chinita yung asawa ko na yun eh. Parang si Lyn Ching. Kaya nga ang lakas ng kompyansa ko sa sarili ko nun kasi tignan mo ko, alam kong pogi ako haha. Pero mataba, maitim, maliit na nakasalamin pero ang girlfriend ko maputi at maganda.

Ang problema, yung tatay nya may nakaaway sa negosyo. Bigla - bigla nagdesisyon sila umalis papuntang America para taguan yung kaaway ng tatay nya. Talagang biglaan yun. Umalis sila agad. Madaming gamit yung naiwan. Pinamigay nila sa kamaganak nila yung iba. Yung tatay nya, ipinabenta sa akin yung siyam nilang doberman tapos yung perang makuha ko akin na lang daw.

Nakakatakot yung panahon na yun kasi parang big time ung nakaaway nila sa negosyo. Eh wala ng tao dun sa bahay nila, nakita ko parang may nagmamatyag na kotse na paikot-ikot habang inaasikaso ko yung mga aso.

Sabi nga ng nanay ko, umiwas na daw ako dun kasi baka mapahamak pa daw ako. Eh syempre kapag mahal mo yung tao, hindi ka naman makikinig sa mga ganun.

Ayun, nabenta ko yung siyam na doberman, tapos yung benta doon, dinagdag para sa pamasahe ko papuntang America pati ilang mga gamit pa. Siguro ilang buwan sumunod din ako don. Tinulungan ako ng girlfriend ko sa pamasahe at papeles.

Pagdating don, nagpakasal na kami. Bumili ako ng wedding ring. Sinasabi ko sayo, yung wedding ring na binili ko mamahalin talaga.

Meron kami sariling apartment don. Nakabukod kami. Madali naman humanap ng trabaho dun eh. Yung misis ko maganda ang trabaho niya. Sa hotel. Iniimbita nya pa don sa amin yung mga katrabaho nya kapag birthday nya. Nagiinuman kami kasama yung boss nya.

After ilang years, nakakaramdam na ako. Okay naman kami nung una eh. Wala talaga akong kaide-idea na magigiging ganun. Minsan dumating ako sa bahay andon yung boss nya. Silang dalawa lang. Nagiinuman. Yung boss nyang yon, panget. Matangkad na maitim pero pangit, sinasabi ko sayo. Kaya ako medyo kampante pa ako ng konte e. Nakipag inuman pa nga ako nun eh. 

Isang beses, tinawagan ako ng kaibigan ko, nakita nya daw asawa ko na kasama yung boss ko. Pinuntahan ko. Nagpasama ako sa kaibigan ko, kotse nya yung ginamit. Nakita ko nga parang kumain sila sa labas. Pero okay pa sakin yun. Hangga't wala akong nakikitang mas matibay na ebidensya, eh chill lang.

Isang beses, nagiinuman kami ng mga barkada ko sa apartment. Umuwi sya. Naligo. Sinundan ko. Habang naliligo sya, pinakialaman ko yung cellphone nya. Sinasabi ko sa'yo nabasa ko lahat eh. Kahit medyo kinukutuban na ako, gulat na gulat pa din ako. Mga palitan nila ng text ng boss nya, pinapalipat na sya dun sa bahay at iwanan na daw ako. Ang mga text naman ng misis ko, kumukuha lang daw sya ng tyempo.

Sinasabi ko sayo, talagang parang bumagsak ang langit sakin. Pasalamat sya at hindi pa ako lasing nun kasi baka nabugbog ko sya.

Hinintay ko sya matapos maligo. Pagkabihis na pagkabihis nya binigay ko sa kanya cellphone nya. Chill lang ako nun. Sabi ko 'magpasundo ka sa boss mo ngayon din!'. Pinilit kong talagang tawagan nya. Gusto nya pang tumanggi eh pero pinandilatan ko. Alam nyang kapag nagsalta pa sya, kahit hindi ako naghuhurumintado masasaktan ko sya eh. Sinasabi ko sayo, talagang tinawagan nya habang iyak ng iyak eh. Pinalayas ko talaga eh. Hindi sya nakatanggi. Iyak sya ng iyak. Naririnig ng mga barkada ko yun. Alam nila  eh. Nagimpake lang sya ng konti ng mabilis. Sa kahihiyan siguro. 
Bago sya umalis sabi ko, 'Hoy iwanan mo yang singsing mahal ang bili ko diyan!'.

Sinundo sya. Hindi bumaba yung lalake, mabilis lang. Andun mga barkada ko eh.

Kinabukasan, nagpasama ako sa barkada ko, yung mga gamit ng misis ko na naiwan inimpake ko lahat tapos pumunta kami don sa hotel na pinagtatrabahuhan nya. Pagdating sa reception, pinatawag ko pa sya. Mahinahon pa ako eh. Pagbaba nya,pinaghahagis ko yung mga gamit nya don sa tapat tapos nagsisisigaw ako. Sabi ko 'dun ka na tumira sa Boss mo!' Pinagmumura ko talaga, pinagtinginan ako, yung misis ko hiyang hiya. Tapos umalis na din ako agad bago magsidatingan yung mga gwardya.

Sinasabi ko sayo, sabog na sabog ang pakiramdam ko nun. Kung pwedeng magpakamatay lang ako talagang gagawin ko na eh. Gabi gabi tequilla iniinom ko. Nagkasugat na yung bituka ko dahil don.

Nalaman ng nanay ko. Hanggang sa pinauwi na ako sa Pilipinas.

Kaya pala hindi kami magka anak-anak. At buti may divorce don.

Tapos ngayon kapag naaalala ko, natatawa na lang ako kasi ang panget ng pinalit nya sa akin. Di ko alam kung maiinis ako o kung ano. Tapos ngayon nakita ko sa Facebook may anak na sila.

Paguwi ko sa Pilipinas, dun ko nakilala si Kat. Ngayon may anak na din kami.

Ayun. Akala ko katapusan na ng mundo hindi pa pala"

Napansin nya na nakikinig rin ako sa kwento nya.

"Si pareng ano, nakikinig na din eh oh. Ang ganda ng kwento ko no?"

Natawa lang ako. Sa loob loob ko, oo, maganda nga. Noong mga panahon na yun, nasa proseso pa din ako ng pagmo-move on galing sa break up. Lumipat sa Canada yung long time girlfriend ko at paglipas ng mahigit isang taong long distance relationship naghiwalay kami. Naisip ko, etong lalakeng to, wala pa sa kalingkingan nya ang dinanas kong sakit pero tignan mo ngayon, pagudmo-good morning na lang tuwing umaga.

Ano ngayon ang dahilan ko para hindi maka-move on?

Saturday, October 5, 2013

NOISETALGIA #13

Oh Why Hello October?! 
Time has flown fast. 
It's been 4 months since I last updated this blog. (Not even sure if anyone's reading this anyway.) Maybe because I haven't got much time alone to write stuff lately - that is because I've got a girlfriend now! (insert audience clap for effect.)

Writing sad love songs has always been my favorite. That's the thing, all my creative juices come up when I am bleeding. These days, I am not. So I seldom write. I have been spending most of my time with my girlfriend and us being together makes me happy so I got no time to write. Just like today, we came home from a last full show. 

Speaking of movies, I have already  seen a handful  this year. That includes the indie films I've seen in Cinemalaya last July-Aug. The movie I've just seen earlier was About Time. Last month was the local film OTJ. So many beautiful films this year. I guess the lamest one I saw was Pacific Rim. That film was gayer than Clay Aiken.

After the movie, as my girlfriend and I walked to the terminal, I saw a shooting star. I asked my girlfriend if she saw it too but she didn't. She hasn't had seen one ever. I have had seen a bunch of shooting stars already and it never fails to amaze me every time I see one.  My girlfriend told me that I should have made a wish. I did not. I just chose to be amazed. I'd thrown a lot of wishes before and nothing came true. Maybe the things I wanted weren't the right ones for me. It's good to get all the things you desire but it is more challenging to accept what life serves you. Learning to see the beauty in the fleeting things and accepting once they're gone is maybe one of the keys to a healthy life.

When I blogged last January, I was hopeful that I'd be more productive this year. I was looking forward to releasing a new album, making a short film, etc. Maybe I have not been wearing my creative hat lately. I would like to say though that this year is still a start of a new beginning. Maybe the real reason why  I have not been a wellspring of creativity lately is I am busy. Busy being happy.  L-I-V-I-N.

Tuesday, June 4, 2013

NOISETALGA #12 TOP 10 FAVORITE SAD SONGS

Hindi ako nahihiyang aminin. Iyakin ako.
Minsan kapag may naririnig lang akong kanta na may kalakip na ala-ala, naluluha na ako.
Anyway, naglalakad ako nung isang araw papauwi galing trabaho at naisip kong gumawa ng TOP 10 list ng mga pinakamalulungkot na kanta sa buhay ko.

Ladies and Gentlemen, my TOP 10 FAVORITE SAD SONGS:

10. I Just Wasn't Made For These Times -Beach Boys
Eto yung habang tumatanda ka, unti unti kang namumulat sa katotohanan ng buhay at unti-unti ding nawawala yung kainosentehan mo at nasa stage ka na akala mo bata ka pa pero hindi na pala. Eto na pala yung real world.

9. Lightyears - Eraserheads
Isang salita para ipaliwanag ang kanta na'to  "Nostalgia".
Madalas mangyari kapag hatinggabi at naghahalungkat ka ng mga inaalikabok na gamit na nakakahon sa aparador. Sabi nga sa linya: "How it feels so strange to have grown and changed. Now it's not the same."

8. If You're Not Scared - K's Choice
 May mga gabi nung taong 2009 tuwing pumapasok ako papunta ng Makati sa graveyard shift ko na pinapakinggan ko to sa loob ng bus palagi at umiiyak ako kapag nasa pangalawang linya na "How I miss your trembling hands inside of mine".

7.Absolutely Zero - Jason Mraz   
Yung album ni Jason Mraz na Waiting for My Rocket to Come ang pinakamagandang album nya para sa'kin. Siguro dahil yun sa mga alaalang nakakabit dito. Naaalala ko ang taong 2005 sa kantang to. Yun ang taong isa sa mga pinakamalungkot pero masayang bahagi ng aking growing up stage. (hikbi)

6. Paalam Sampaguita - Yano
Ito yung sampol ng 3rd and 4th stanza:

Sabi mo mahal mo ako
Sa ilalim ng buwan nagsumpaan pa tayo
Na walang makakahadlang
Kahit sino man sa ating pag-iibigan

Kay saklap naman ng kapalaran
Nilisan ka 'pagkat ika'y napilitan lng
Kaya ito laging kasama ko
Ang tamis ng pait ng ala-ala mo"

Aren't these the saddest lines ever written in the history of OPM rock songs?

5.Homecoming - Rivermaya
 Intro pa lang alam mo ng papaiyakin ka eh. What sad about this song is it gives you the feeling of things/people that are gone. Di ko alam. Ikaw.

4.Hello It's Me-Todd Rundgren
 Una ko to napakinggan sa movie na Virging Suicides ni Sophia Coppola. Eto yung part na di makalabas yung Lisbon Sisters dahil grounded sila at nakikinig lang sila ng mga plaka. Nung narinig ko to alam kong magiging isa na to sa mga magiging paborito kog kanta. Hindi lang sa mga malulungkot na kanta kundi sa pangkalahatan. Lalo na nung naintindihan ko yung lyrics. Sumasapul talaga.

3. I Thought I Saw Your Face Today - She and Him
Buti na lang hindi si Karen Carpenter kumanta nito. Kung nagkataon ano pa kayang laban natin? Madalas mangyari tong kanta na'to sa'kin.

2.So Far Away - Carole King
Siguro mapapansin mo halos iisa lang ang theme ng mga malulungkot kong kanta. Kung meron man, itong kanta ang pinakabuod non. Kinanta to ni Bamboo pero nobody can sing this song like Carol King did.
Kung pwedeng ito na yung number 1 eh.

1.The Long and Winding Road
Hindi pwedeng hindi ito ang number one dahil bata pa lang ako at di ko pa naiintindihan tong kanta na'to eh nararamdaman ko na yung lungkot. Sanay akong love song ang kinakanta ni Paul McCartney pero nakakdurog din pala sya ng puso. Yung tono, yung mood na dala ng kanta, yung mga instrumento malungkot lahat. Nung nagkaisip na ako at naintindihan ko na'tong kanta nato, mas lalo akong nagemote.



Sunday, June 2, 2013

NOISETALGIA # 11 Kuya Paul

Pangalawang araw ng Hunyo. 2013. Ikinasal ang paborito kong kuya (pinsan) na si Kuya Paul sa kasintahan nya ng walong taon na si Sheryl.
Kakauwi lang namin galing Batangas dahil dun sila ikinasal.
Matagal ko nang gustong gumawa ng blog tungkol sa kanya dahil sa pagiging paborito ko sa kanya bilang pinsan pero ngayon ko lang napagpasyahang pagukulan ng panahon.

Bagaman't bihira lamang kami makita, nasabi kong paborito ko sya sapagakat sa impluwensya nya sa aking music. Ako yung tipo ng lalakeng Eraserheads at Beatles pero sya ang nagpakilala sa akin ng The Shins, Matt Costa, Nick Drake, Mississippi John Hurt at kung anu ano pa.

Isa sa mga bagay na gusto ko sa kanya ay ang pagiging simple.

Walang Facebook, Twitter o kung anu-ano pang account sa Social Media. Kapag makita mo sya sa mall, naka t-shirt lang at straight cut na jeans or naka shorts. Kumbaga parang normal na 90's look.

Okay lang sa kanya kung pumasok ako sa kwarto nya kahit wala sya. Naaalala ko, binigay nya pa sa akin ang password ng laptop nya para kopyahin ko ang mga kanta nya.

Tuwing fiesta sa kanila, kapag dumadating na sya galing sa girlfriend nya, makikipagjamming na sya sa akin at tuturuan niya ako ng mga kanta nila Simon and Garfunkel, John Mayer, etc. sa gitara.

Kanina sa reception, habang tinatawag na ang mga sponsors isa isa papunta sa table nila, pinatugtog ang kanta ng The Corrs na Runaway. Sa totoo lang, ayaw ko nang maririnig ang kanta na yon. Hindi dahil sa ayaw ko yun. Sa katunayan, paborito ko sya dati. Mababaw lang siguro talaga ang luha ko.

Ilang taon na ang nakalipas noong pinlano namin ng dati kong kasintahan na ang kantang Runaway ang tugtog habang naglalakad sya sa altar. Nung nagbreak kami, at huling usap namin ng matino, pinakanta ko sa kanya yung kanta na yun nung binati nya ako nung birthday ko(mula Canada through FaceTime). Yun ang huling pagkakataon na narinig kong kantahan nya ako.

Ang alam ko naka move on na ako. At buo ang loob ko dito. Mahina lang talaga ang damdamin ko sa mga ganitong bagay. Iyakin kasi ako. Noong bumagsak nga si Pacquaio sa huli nyang laban naluha ako eh. Nung binati lang ni Aiza Seguera si Vic Sotto nung bday nya naluha na din ako eh. Mababaw lang talaga ang luha ko. Pero naka move on na ako. Kung di ka man maniwala eh Pakyu.

At yun na nga, tinawag si Kuya Paul at si Sheryl at nagsayaw sila sa gitna. Hindi ko na maalala kung ano yung kanta pero ang alam ko, naiyak na ako nung pinapanood ko sila. So sa kahihiyan ko, lumabas ako at pumunta sa kotse at nagpunas ng luha.

After ko mailabas yun ay okay na.

Yung part na ng ihahagis nung bride yung bulaklak, naramdaman kong tatawagin ako ni Kuya Paul pag yung sa garter na. At tama nga ako. tinawag ako ni Kuya Paul. Ako lang ang hindi nakabarong sa mga bachelors na andoon. Hindi ako angnakakuha nung garter. Ayos lang.

Nagkainan na at nagpicture picture na sa bawat pamilya.

Nung nakahanap ako ng timing nagpapicture ako sa knailang dalawa:

BEST WISHES PAUL AND SHERYL FACUNDO!!

Friday, January 18, 2013

NOISETALGIA #10: Bagong Panimula

HELLO 2013! Kamusta? Laki mo na ah!

Narinig nyo na yung kanta ng Join the Club na Bagong Panimula? Kung di ako nagkakamali, 2009 ko unang napakinggan ang kantang to sa loob ng kotse ni Ted (dati kong kabansa sa bandang Piñata) pinapatugtog ni Miguel(kabanda ko sa The Eighteens) mula sa iPod nya. Isa yun malamang sa mga gabing palagi kaming nagroroad trip tuwing Tuesday at Saturday nights habang binubuo namin ang bandang  Piñata. 

4 na taon na din ang lumipas ngunit hindi naluluma ang mensahae ng kanta. Kung gusto nyo mapakinggan ito ang link ng music video nya:

Bagong Panimula OFFICIAL MV 

Yan ang theme song ko ngayong 2013. Bagong panimula. Magsimulang muli.Hindi ayusin ang mga nasira kundi itapon ito at magsimula ng bago.

 Excited ako makadiskubre ng mga bagong bagay ngayong taon na to. Lalo na sa music. Last year may mga bands akong nadiscover na kahit luma ay bago sa pandinig ko. To name a few, Miniature Tigers na talaga namang nagpasaya sakin sa unang kalahati ng taon sa kabila ng  kalungkutan. Bago naman matapos ang taon, nadiscover ka naman ang The Format. Yan siguro ang soundtrack ng 2012 ko.

oo nga pala, Dec 28,2012 bago matapos ang taon ni release ko ang aking Solo Albumng pinamagatang Post Modern Kundiman. Syempre pwede nyo itong idownload ng libre dito:

http://glentiopez.bandcamp.com/ 

Accomplishment ito for me. Biro mo, nung elementary ako at highschool nirerecord ko lang mga kanta ko sa cassette player at blank tapes. Tapos ngayon full track album pa. 

Masasabi kong lahat ng mga kantang ito ay aking tala-arawal. Lahat ay personal at hango sa tunay na buhay. Kaya mapapakinggan mo ang honesty dito. hehe.

Hindi ko alam kung anong project ang gagawin ko ngayong taon. Another album? Another short film? Di ko alam. Excited lang ako.